'EID MUBARAK 2022!'
03 Mayo 2022
Eid Mubarak!
Nakikiisa ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa lahat ng mga kapatid nating Muslim sa pagdiriwang ng Eid'l Fitr o ang Kapistahan ng Ramadan.
Nawa'y liwanagin ng mga pagpapala ni Allah ang inyong landas tungo sa pagmamahal, kapayapaan, tagumpay, at pagkakaisa. ###
PCUP FOD-NCR, naggawad ng Certificate of Accreditation sa mga UPOs ng MM
02 Mayo 2022
Ginanap nito lamang Abril 29 ang paggawad ng Certificate of Accreditation sa mga newly accredited urban poor organizations (UPOs) ng PCUP mula sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, sa pangunguna ng Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) sa People's Hall, Quezon City Memorial Circle.
Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ang lahat ng mga maralitang samahan na nagpa-accredit sa Komisyon dahil sa pagpapakita nito ng interes upang makibahagi sa mga programa ng pamahalaan alang-alang sa kanilang pag-unlad.
Nagbahagi rin ng kaniyang mensahe si FOD-NCR Chief of Operations Olympia DC Micor.
Samantala, kabilang sa mga UPOs na nakatanggap na ng kanilang sertipiko matapos sumailalim sa proseso ng akreditasyon ay mula sa Quezon City, San Juan, Manila, Muntinlupa, Caloocan, Malabon, Taguig, at Parañaque. ###
via | PCUP NCR
PCUP FODL, pinulong ang mga stakeholders ng Licab, Nueva Ecija ukol sa kaso ng demolisyon sa lugar
02 Mayo 2022
Pinulong ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) ang iba’t ibang mga ahensya at stakeholders mula sa Licab, Nueva Ecija noong Abril 20 kaugnay ng isang kaso ng ebiksyon at demolisyon sa lugar.
Sa kabila ng ipinadalang imbitasyon, bigong makadalo sa naturang pulong ang mga apektadog pamilya para sana marinig ang kanilang hinaing at concerns.
Hiniling naman ng PCUP sa MSWDO na personal silang puntahan at magsagawa ng validation upang matukoy ang kanilang socio-economic status at mga pangangailangan na maaaring matugunan ng pamahalaan tungo sa mapayapang pagpapatupad ng court order.
Pansamantala namang ipinagpaliban ng Komisyon ang naturang PDC dahil sa hindi pagdalo ng mga apektado at nagtakdang ipagpatuloy na lamang ito sakaling nakahanda na ang MSWDO validation report gayundin ang sertipikong nagsasaad ng mga tulong na maaaring maibigay sa mga pamilya. ###
via | PCUP Luzon
PCUP FODL, nagpatawag ng meeting katuwang ang mga ahensya sa Cabanatuan, Nueva Ecija ukol sa mga apektado ng demolisyon dito
02 Mayo 2022
Aktibong nakibahagi ang mga stakeholders, at iba’t ibang ahensya sa Cabanatuan City, Nueva Ecija sa Pre-Demolition Conference (PDC) na ipianatawag ng CUP – Field Operations Division for Luzon kamakailan lamang kabilang na ang City Administrator, PNP, CSWDO, DILG, NHA at CHDMO na kung saan ay pinag-usapan ang mapayapang pagpapatupad ng kautusan ng hukuman at ang mga maaaring tulong, serbisyo at programa ng bawat ahensya na ipaaabot sa mga apektadong pamilya.
Ayon sa CHDMO, nakahanda silang magsagawa ng socio-economic profiling sa mga apektadong pamilya upang higit na matukoy ang socio-economic status ng mga ito. Ang CSWDO naman ay n magpapaabot ng food at livelihood assistance depende sa sitwasyon ng mga pamilyang maaapektuhan. Samantala, hindi umano makakapagbigay ng financial assistance ang LGU ayon sa City Admin dahil sa election ban.
Sa kabila nito, tumanggi ang mga apektadong residente na tanggapin ang alok na financial assistance ng Plaintiff sa kadahilanang hindi pa rin umano sila kumbinsido sa ilang aspeto ng kaso. ###
via | PCUP Luzon
PCUP FODL, nagpatawag ng PDC sa Lupao, Nueva Ecija
02 Mayo 2022
Muling nagpatawag ng Pre-Demolition Conference (PDC) ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) para sa mga stakeholders at ahensya sa Lupao, Nueva Ecija upang matalakay ang mayapang pagpapatupad ng isang court order.
Tinalakay sa naganap na pulong kung naisakatuparan ba ang mga naunang napagkasunduan. Tinukoy rin ng MSWDO na ang mga apektadong pamilya ay maituturing na “homeless and underprivileged” alinsunod sa isinagawang socio-economic profiling. Nakahanda naman umanong magpaabot ng P10,000 ang Lokal na Pamahalaan bilang financial assistance.
Inihayag din ng Sheriff ng kaso na pinal na at nakahandang ipatupad ang kautusan ng hukuman. Sa kabila nito, nakahanda pa rin umanong magsagawa ang mga apektado ng ligal na hakbang.
Pansamantalang ipinagpaliban ng PCUP ang PDC at nagtakdang ipagpapatuloy ito matapos ang 30 araw at makapagpasa ng Certificate of Availability of Financial Assistance ang Lupao—LGU na naaayon sa itinakda ng RA 7279 o UDHA ng 1992. ###
via | PCUP Luzon