MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

1FE0E689 DDFA 4A86 94DA 560141A77F31

15 Setyembre 2021

Nakipagpulong ngayong araw, Setyembre 15 via Zoom ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Grab Philippines upang pag-usapan at talakayin ang pagpapaigting ng ugnayan ng mga ito sa bisa ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagbibigay ng serbisyo sa sektor ng maralita sa bansa at pagbubukas ng mas malawak na oportunidad sa mga nais magkaroon ng trabaho.

Tinalakay rin sa naganap na pulong ang mga gampanin at responsibilidad ng bawat panig na nakasaad sa nilagdaang MOA partikular na ang pagbibigay ng trabaho sa mga nais maging grab drivers na isasagawa tuwing PCUP Mini Caravan.

Samantala, ang naturang pulong ay pinangunahan ni Ms. Elsie A. Aradanas—PCUP RPMD OIC-Chief kasama ang iba pang mga kawani mula sa RPMD. Naging kinatawan naman ng Grab PH sa pulong si Ms. Carole Kaye Malenab.

Kumpiyansa si PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na mas maraming maralitang tagalungsod ang mabibigyang trabaho sa pamamagitan ng inisyatibang ito lalo na’t malaki ang naging epekto ng pandemya sa sektor ng mahihirap sa buong panig ng bansa. ###

8EF58787 BEB2 4D75 BCAC CBF37005D0CD

13 Setyembre 2021

Pinangunahan ng PCUP – Field Operations Division for Visayas (FODV) ang isang virtual turn over ng Village Ville sa ilalim ng Yolanda Permanent Housing Project sa Kalibo, Aklan na ginanap noong ika-06 ng Agosto.

Nasa 400 benepisyaryo ang makikinabang sa nasabing proyekto na mula sa tatlong magkakaibang urban poor organizations (UPOs) na Barangay Briones Yolanda HOA Phase 1, 2, at 3.

Naging posible ang proyektong ito sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng mga pulong ng mga miyembro ng LIAC para sa Yolanda Project. Sa ngayon ay nai-turn over na ng National Housing Authority (NHA) ang proyekto sa LGU.

Dagdag pa rito, malaki rin ang naging bahagi ng PCUP Visayas sa naging tagumpay ng proyekto sa pamamagitan ng pagpasa ng mga resolusyon tuwing may pulong gayundin ang pagsasaalang-alang ng mga amenities sa site bago ang paglipat ng mga benepisyaryo.

Samantala, nagpoproseso na ng kanilang akreditasyon sa PCUP ang naturang mga samahan upang mapabilis ang akses ng mga ito sa mga serbisyo ng Komisyon partikular na ang seguridad sa paninirahan at oportunidad sa pangkabuhayan.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano ay patuloy na nakikipagtulungan sa iba pang ahensya ng gobyerno ang PCUP upang itaguyod ang kapakanan at interes ng mga pamayanan ng maralita sa iba’t ibang bahagi ng bansa. ###

via | PCUP Visayas

 02543834 C1B5 4503 AC49 E58245A813A8

10 Setyembre 2021

29th Family Week Celebration 👨‍👩‍👧‍👦

Nakikibahagi ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), kasama ang National Committee on the Filipino Family (NCFF) at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pagdiriwang ng 29th National Family Week sa ganap na ika-20 hanggang ika-25 ng Setyembre.

Ang tema sa taong ito ay "Pamilya at Teknolohiya: Magkabalikat Mapagtagumpayan ang Hamon ng Pandemya" na nakaangkala pa rin sa pangunahing tema na “Tungo sa Matatag, Maginhawa, at Panatag na Pamilyang Pilipino.”

Alinsunod ang taunang selebrasyon sa Kautusan Blg. 60 na nalagdaan noong 1992 na nagtatakda na ang huling linggo ng buwan ng Setyembre ay ituring na Family Week bilang pagkilala sa sagradong konsepto ng pamilya.

Mula sa PCUP ay sama-sama nating palakasin ang bawat pamilyang Pilipino upang makabangon at manatiling matatag sa gitna ng pandemya. ###

#NationalFamilyWeek2021
#PCUPOfficial

 

09 Setyembre 2021

Muli na namang umarangkada ang PCUP Mini-Caravan upang ibaba ang pinagsama-samang serbisyo ng mga ahensya ng gobyerno para sa tao.

Ginanap kahapon, ika-08 ng Setyembre ang Mini Serbisyo Caravan sa pangunguna ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Field Operations Division for Mindanao (FODM) sa bayan ng Makilala, North Cotabato.

Humigit-kumulang 700 na mga residente ng munisipalidad ang naging benepisyaryo ng samu’t saring programa at serbisyo na naipamahagi ng naturang caravan tulad ng libreng eye check-up at eyeglasses mula sa Deseret Ambulatory Referral Center, libreng gamot at vitamins mula sa DOH, libreng gupit mula sa Philippine Army, libreng legal consultation mula sa PCUP, libreng fruit bearing seedlings, corn seeds, fertilizers at Mallard Ducks (Itik) mula sa Department of Agriculture at Municipal Agriculturist Office, at libreng palugaw mula sa PNP-Makilala.

Dumalo rin ang PSA at Municipal Registrars Office para sa pagproseso ng mga birth certificate, marriage contract, at CENOMAR; gayundin ang NHA at DOLE na nagbigay ng mga updates patungkol sa kanilang mga kasalukuyang programa na ibababa nila para sa mga residente ng Makilala.

Umalalay rin ang MSWDO upang maging maginhawa ang pakikilahok ng mga kababayang PWD.

Nagsagawa naman ang Komisyon ng Accreditation Caravan para sa mga urban poor associations, PWDs at Muslim women's association ng Makilala kung saan limang asosasyon ang nauna nang nagawaran ng Certificates of Accreditation.

Nagkaroon din ng MOA Signing bilang parte ng Urban Poor Privilege Card Program ng PCUP at ni Dr. Kadil M. Sinolinding, EENT ng Deseret Ambulatory Referral Center para sa mga magpapasuri at magpapaopera ng mata.

Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa pangunguna ni PCUP Supervising Commissioner for Mindanao Comm. Norman B. Baloro, RSW, MSSW, FODM Chief-of-Operations, Atty. Ferdinand C. Iman, at FODM Assistant Head at Supervising Area Coordinator, Ms. Phyllis T. Daswani; katuwang na rin ang mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan ng Makilala sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Armando M. Quibod at ng Provincial Government of Cotabato sa ilalim ng liderato ni Governor Nancy A. Catamco.

Sa huli ay ligts na naisagawa ang nasabing aktibidad dahil na rin sa tulong ng Philippine Army, PNP, at MDRRMO na siniguro na maayos at istriktong nasusunod ang mga IATF COVID-19 health protocols. Nabigyan din ng mga COVID-19 protection kits ang mga lumahok.

Ayon kay PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, ang inisyatibang ito ay inilunsad upang ilapit sa taumbayan ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan. Isa rin itong pamamaraan upang bigyan ng mas malawak na oportunidad ang mga maralitang tagalungsod sa aktibong partisipasyon sa mga programa ng pamahalaan. ###

via | PCUP Mindanao

#PCUPMiniCaravan2021

4C361E85 1F0E 4B3E 852A 7EAE9F21E373

08 Setyembre 2021

Nagkaloob ng iba’t ibang mga produkto nito sa Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) ang Rebisco Foundation Inc. upang ipamahagi sa mga maralitang tagalungsod sa bansa na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagsasagawa ng relief operation ng Komisyon, sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairman ng CEO, Usec. Alvin S. Feliciano sa mga komunidad ng mahihirap upang tugunan ang negatibong epekto ng pandemya na nararanasan ng bansa.

Kabilang sa mga produktong ipinagkaloob ng Rebisco Foundation Inc. sa PCUP ay isang kahon ng RC whole wheat, 2 bundle ng Jungle Bites Strawberry, 5 kahon ng Superthin Baked Chips Smokey Cheese, at 2 kahon ng Combi Condensada. ###