MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 2 people, people standing and indoor

19 Hulyo 2021

Naging matagumpay ang ginanap na pulong sa pagitan ng Research, Planning, and Monitoring Division (RPMD) ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) at ng mga sub-units nito, sa pangunguna ng hepe ng RPMD na si Ms. Elsie A. Aradanas, ngayong araw Hulyo 19.
 
Dinaluhan ang naturang pulong ng mga kawani ng RPMD, maging ang mga sub-units ng RPMD na binubuo ng Participatory Governance Unit at Climate Change Adaptation and Mitigation, Livelihood Unit, Health Unit, at Persons with Disabilities Unit.
 
May be an image of 3 people, people standing, indoor and text that says '+ #PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph (02) 8-362-0220 PCUPOfficial <a href=
 
Naging highlight sa naturang pulong ang pagtatasa ng mga nagawa na ng RPMD para sa Komisyon para sa FY 2021. Tinalakay din ng mga sub-units ang kanilang mga kanya-kanyang plano para maisakatuparan ang mandato ng PCUP.
 
Samantala, tiwala naman si PCUP Chairman at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano na ang mga programa at aktibidad ng RPMD ay magdudulot ng lubos na kapakinabangan hindi lamang sa Komisyon kundi maging sa sektor din na pinaglilingkuran nito—ang maralitang tagalungsod. ###
 
via | PCUP RPMD