May be an image of child, standing and outdoors

22 Hulyo 2021

Nagtungo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP – Office of the Commissioner Randy H. Halasan at Field Operations Division for Luzon (FODL), sa pamamagitan nina PCUP Luzon Area Coordinator, Wilfredo U. Siena at TOASG Personnel, Mr. Adam Santiago at Mr. Edsel Calma noong Hulyo 16 hanggang 17 sa PCUP-RPG Ville at Sitio Elaved, Antipolo, Rizal upang magsagawa ng ‘occupancy validation’ sa lugar para sa mga kasalukuyang benepisyaryo ng pabahay.
 
Kinumpirma ng Komisyon ang mga kaso patungkol sa hindi pagtira sa pabahay ng mga orihinal na benepisyaryo, mga abandonadong istruktura, at mga bakanteng lote. Layunin nito na makapagtala ng isang malinaw na listahan o masterlist ng mga benepisyaryo ng pabahay at maging basehan sa pagrepaso ng mga panuntunan sa pagpili ng mga kapalit o paggawad sa mga bagong benepisyaryo na biktima ng demolisyon at ebiksyon na pasok sa kwalipikasyon bilang underprivileged at homeless.
 
Kasabay nito, nagkaroon din ng konsultasyon sa mga isyu at concern na naobserbahan at nararanasan ng mga miyembro at opisyal ng Tolosa Ville Ph.2 HOAI, Lupang Pangako PCUP Relocation Site HOAI, at Tolosa Ville Ph.3 HOAI hinggil sa resulta ng balidasyon; proseso ng pagbibigay ng Permit to Construct (PTC); proseso at mga dokumetong kinakailangan para sa aplikasyon para sa Development Permit at Certification for Meralco Application; at aplikasyon para sa akreditasyon. Pinasinayaan naman nina PCUP Commissioner Halasan at Mr. Siena ang pagtugon at pagbibigay linaw sa mga katanungan ng mga residente.
 
Alinsunod sa direktiba ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, patuloy ang pagsasagawa ng mga katulad na aktibidad ng Komisyon upang masiguro ang seguridad sa paninirahan at matugunan ang mga hinaing at pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod. ###
 
via | PCUP Luzon