MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 4 people, people sitting, people standing and indoor

26 Hulyo 2021

Nagdaos ng isang Training Induction Program para sa 25 na mga iskolar ng TESDA COVID-19 Contact Tracing Scholarship Program ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) kasama si Mr. Darwin Belgica mula sa TESDA na ginanap noong ika-23 ng Hulyo.
 
Pinangunahan ang aktibidad nina Ms. Mary Gene Agoncillo at Mr. Marlou Mabini na mga PCUP NCR Area Coordinators.
 
Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, ang naganap na aktibidad ay bahagi ng programang Scholarship Caravan ng PCUP na nagbibigay ng libreng edukasyon sa mga maralitang tagalungsod na naghahangad na makapagtapos ng pag-aaral nang libre sa mga kursong mayroon ang TESDA. ###
 
via | PCUP NCR