MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 1 person and standing

28 Disyembre 2021

Bilang pakiisa sa selebrasyon ng Urban Poor Solidarity Week (UPSW) 2021, aabot sa 160 lider-maralita ng Mandaue ang nakilahok sa isang localized UPSW celebration sa pangunguna ng PCUP-Field Operations Division for Visayas (FODV) nitong Disyembre 07.
 
Ayon kay PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, ang selebrasyon ng UPSW ay ipinagdiriwang bilang tugon ng Komisyon sa pagkakakaisa at pagkakabit-bisig ng mga maralitang tagalungsod para sa isang matatag, maginhawa at panatag na buhay.
 
Bahagi naman ng nasabing gawain ang pamamahagi ng bigas para sa mga urban poor organization leaders, awarding ng ‘Most Number of Fully Vaccinated UPO members’ at pamamahagi ng health kits. ###
 
via | PCUP Visayas

28 Disyembre 2021

Naisagawa nang ligtas ng Cebu-LGU, sa pamamagitan ng Division for the Welfare of the Urban Poor (DWUP) at ng PCUP-Field Operations Division for Visayas (FODV) ang isang localized Urban Poor Solidarity Week (UPSW) 2021 celebration nitong Disyembre 08.
 
Ayon kay PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, ang selebrasyon ng UPSW ay ipinagdiriwang bilang tugon ng Komisyon sa pagkakakaisa at pagkakabit-bisig ng mga maralitang tagalungsod para sa isang matatag, maginhawa at panatag na buhay.
 
Bukod sa Komisyon ay nakiisa rin sila Cebu City Mayor, Hon. Michael Rama, Vice Mayor Dondon Hontiveros, DWUP Chief Mr. Dax Arcilla, ilang miyembro ng City Council at mga panauhin na nagbigay ng kani-kanilang mensahe ng suporta.
 
Sa pagtatapos ay nagkaroon ng munting raffle draw para sa mga lumahok. ###
 
via | PCUP Visayas 

May be an image of 4 people, screen and text

28 Disyembre 2021

Matagumpay na naipasa ng 18 maralitang samahan ang deliberasyon sa pangunguna ng PCUP-FODL’s Division Accreditation Committee for Luzon (DACL) bilang bahagi ng proseso ng kanilang accreditation sa PCUP.
 
Ang akreditasyon ay bahagi ng mandato ng PCUP sa ilalim ng pamumuno ni Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano kung saan ay kumikilala ang Komisyon ng mga lehitimong samahang-maralita upang mas mapalakas sa kanilang tinig at pagpapatibay ng kanilang representasyon.
 
Nakatakdang irekomenda ng DACL ang aplikasyon 18 maralitang samahan sa Office of the Chairperson upang magawaran sila ng mga sertipiko ng akreditasyon. ###
 
via | PCUP Luzon

May be an image of text

23 Disyembre 2021

Isang masayang at makabuluhang selebrasyon ang isingawa ng Presidential Commission for the Urban Poor, ngayong araw Disyembre 23 sa pagdiriwang nito ng ika-35 na anibersaryo alinsunod sa temang ‘Ika-35 Taon ng Makabuluhang Paglilingkod; Malasakit, Kaisa’t Kaagap ng Maralita’.
 
Sa kanyang paunang bati, nilahad ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, ang kanyang pasasalamat sa taong ito na kahit na may naranasang pandemya ang bansa ay hindi tumigil ang mga kawani ng Komisyon sa pagtulong sa maralitang tagalungsod. Bukod dito ay binati din niya ang mga empleyado nito na nagsipag-retire na at ang buong pamunuan ng maligayang Kapaskuhan.
 
Sa aspetong ito ay hinati ang buong programa sa dalawang bahagi na sinimulan sa paggawad ng plake at pagkilala sa mga manggagawa ng PCUP na nagsipag-retiro at pagpapalabas ng audio-visual presentation na nagpalabas ng mga munting mensahe ng suporta para sa mga ito bilang mga institusyon ng Komisyon.
 
Sinundan ito ng ‘cultural activity’ na naglalayon na pagpakita ng makulay at buhay na kultura ng Pilipinas sa anyo ng mga national attires, cultural dances, palarong Pinoy, maging ng pagkain na tubo sa ating bansa.
 
Sa pagtatapos ng gawain, ay nagkaroon ng mga raffle prizes at distribution ng noche buena packages na maagang pamasko ng PCUP sa mga empleyado nito.
 
Mula sa buong PCUP, Merry Christmas sa lahat! ###
 

May be an image of 12 people, people sitting and people standing

22 Disyembre 2021

Nagbigay muli ang PCUP Resettlement Unit (ResU) ng isang Capability Building Training (CBT) tungkol sa Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction Management (CCAM-DRRM) para sa mga residente ng Northville 8, Barangay Bangkal, Malolos, Bulacan nitong Disyembre 20, 2021, at para sa Northville 14, Barangay Calulut, San Fernando, Pampanga nitong Disyembere 21, 2021.
 
Ani PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, patuloy ang Komisyon sa pagsulong ng mga programa, serbisyo at pagsasanay upang bigyang kaalaman ang mga kababayang maralita sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang interes at pag-unlad.
 
Pinangunahan ito nina Ms. Grace Anne Correa at Ms. Olive Quintero—Area Coordinators, at Ms. Amihan Adriano—Monitoring Officer ang nasabing programa kasama ang DRRM Officer ng Malolos-LGU.
 
Ayon sa isinagawang profiling ng mga pabahay ng PCUP ResU, ang Northville 8 at Northville 14 ay dalawa sa mga pabahay ng pamahalaan na nasa ‘flood-prone’ areas; kaya naman mas minabuti ng PCUP ResU na mabigyan ng kaalaman ang mga residente nito lalo na ang mga homeowners’ association (HOA) leaders upang sila ay maging handa sa mga darating na sakuna o trahedya.
 
Matapos ang pagsasanay, ang mga kalahok ay nakatanggap ng health kits mula sa Komisyon upang patuloy na mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng pandemya. ###
 
via | PCUP Resettlement Unit