MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

No photo description available.

19 Hulyo 2021

Negros Occidental - Nagbigay ng isang Capability Building Program (CBP) Training ukol sa paggawa ng braided rug at pot holder ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Visayas (FODV) para sa mga miyembro ng Talisay Hope Village HOA na ginanap noong ika-12 ng Hunyo sa Barangay Cabatangan, Talisay City, Negros Occidental.
 
Nagsilbing mga tagapagsalita sa aktibidad sina Ms. Brenda E. Tanio at Ms. Myrna D. Jomero na nagbahagi ng kanilang kaalaman ukol sa nabanggit na paksa.
Bukod sa pagsasanay ay binigyang oryentasyon din ng PCUP ang lahat ng mga lumahok ukol sa Gender and Development (GAD).
 
May be an image of 5 people, people standing and people sitting
 
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat ang Komisyon sa Lokal na Pamahalaan ng Talisay lalo’t higit sa Talisay Housing Authority na pinangungunahan ni Atty. Pacifico M. Maghari III dahil sa suporta na ibinigay sa Komisyon upang maisakatuparan ang aktibidad.
 
Mas maigting naman na mga programa at serbisyo ang patuloy na ihahatid ng PCUP sa mga maralitang tagalungsod na magiging kapaki-pakaibang para sa kanilang pag-unlad alinsunod na rin sa direktiba ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano. ###
 
via | PCUP Visayas