May be an image of 1 person and standing

21 Hulyo 2021

Pinangunahan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) ang relocation activity ng may 55 apektadong pamilya ng C5-Southlink Expressway Project, noong ika-16 ng Hulyo.
 
Sa pangangasiwa ni Mr. Winston Morella—Area Coordinator ang naturang aktibidad. Ang mga apektadong pamilya ay malilipat sa Kristoffee Heights 2 Housing Project na nasa Brgy. Molino, Cavite.
 
Ang mga ganitong aktibidad ang sinususugan ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang magkaloob ng seguridad sa buhay ng maralitang tagalungsod. ###
 
via | PCUP NCR