May be an image of 2 people

21 Hulyo 2021

Nagbigay ng Capability Building Program (CBP) Training para sa mga Urban Poor Organizations (UPOs) mula sa Mandaluyong City ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) - Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) noong ika-15 ng Hulyo sa pangunguna ni Mr. Lucito M. Mallari—PCUP NCR Area Coordinator katuwang si Mr. Clark Lappiere—PCUP NCR Support Staff.
 
Dito ay ibinahagi sa mga dumalong miyembro ng UPOs ang paggawa ng hand sanitizer at insect repellant sa tulong na rin ni Mr. Christian Aguilar mula sa TESDA na siyang nagsilbing resource speaker ng programa.
 
Bukod sa pagsasanay ay binahagian din ng mga starter kits ang lahat ng mga dumalo bilang panimula sa paggawa ng mga produkto.
 
Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, mahalaga na kahit nasa gitna ng pandemya ang bansa ay patuloy pa ring nagiging produktibo ang mga maralitang tagalungsod. ###
 
via | PCUP NCR