MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 3 people, flower and text that says '#PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph (02) 8-362-0220 PCUPOfficial <a href=

21 Hulyo 2021

Upang inisyal na mapag-usapan ang kahihinatnan ng nasa 131 pamilyang maapektuhan ng proyektong pagpapalawak at pagpapabuti ng pasilidad ng Tayug–PNP, aktibong nakibahagi ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa isinagawang konsultasyon sa Tayug Central Elementary-North, Tayug, Pangasinan, noong ika-12 ng Hunyo.
 
Ang lupaing pinag-uusapan ay donasyon ng Lokal na Pamahalaan sa kapulisan noon pang 1930’s upang magsilbing lugar ng kanilang pagsasanay. Sa proyektong pagpapaunlad na ito ng kasalukuyang PNP ay inaasahan na may mga pamilyang maaapektuhan.
 
Sa katauhan ni Ms. Ma. Elizabeth B. Avila – Assistant Chief, Field Operations Division for Luzon, ay binigyang diin ng PCUP ang mga hinihingi ng Section 28 ng Republic Act 7279 o Urban Development and Housing Act of 1992—partikular ang pagsisiguro ng relokasyon para sa mga apektado kung sila ay maituturing na kapus-palad.
 
Iminungkahi ng Tayug-PNP na ang Lokal na Pamahalaan na ang siyang mamahala at magbigay ng relokasyon sa mga apektado. Ani naman ni Ms. Avila, nangangailangan din ang pagsagawa ng balidasyon kaugnay ng listahan ng mga apektadong pamilya na isinumite ng Tayug-PNP.
 
Pinag-aaralan naman Tayug-LGU ang posibilidad na magpasa ng resolusyon ng pagpapawalang-bisa sa donasyon ng naturang lupain sa kapulisan, ito ay sa kadahilanang hindi umano nakumpleto ang mga dokumentasyon sa pagsasagawa ng donasyong ito.
 
Sa huli, nasa panig na ng kapulisan ang gampaning makumpleto ang mga kahingian upang makakuha ng Certificate of Compliance mula sa Local Housing Board sa lugar at tuluyang maisagawa ang kanilang proyekto.
 
Patuloy naman ang pagmonitor ng PCUP sa kasong ito at iba pang sitwasyon kung saan maralitang lungsod ang posibleng apektado. Ito ay sa ilalim pa rin ng direktiba ni PCUP Chairman/CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na nag-uutos na paigtingin ang pagmomonitor sa mga kaparehong sitwasyon. ###
 
via | PCUP Luzon