MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 3 people and people sitting

21 Hulyo 2021

Bilang pakikiisa sa gaganaping PCUP Mini-Caravan sa Iriga City, naghandog ang Department of Health ng mga gamot at bitamina sa PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL), noong ika-18 ng Hulyo.
 
Personal na tinungo ni Mr. Victor Allan C. Ilagan, Area Coordinator ng Bicol Region, ang tanggapan ng DOH-Region V upang kunin ang mga donasyong gamot at bitamina nito. Siya ay malugod na pinaunlakan nina Mr. Bernard A. Mongo, RM, RN, EMT at Ms. Myrna Rayala, RN.
 
May be an image of 3 people and car
 
Nakatakda ang mga medisinang ito na ipamahagi sa mga kababayan nating bikolano sa gaganaping Mini-Caravan sa Iriga City, Camarines Sur sa susunod na Miyerkules, ika-28 ng Hulyo.
 
Ang Mini-Caravan ay isa sa Three Priority Programs ng PCUP sa ilalim ng pamumuno ni Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano. Sa pamamagitan nito ay ihahatid ng Komisyon ang serbisyo mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan patungo sa mga komunidad.
 
Buo naman ang pasasalamat ng PCUP sa Department of Health sa pakikiisa nito sa malawakang pagbibigay serbisyo para sa tao. ###
 
via | PCUP Luzon