MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of text

22 Hulyo 2021

Nakibahagi sa isinagawang North-South Commuter Railway Extension Project (NSCR-Ex) Local Inter-Agency Committee (LIAC) Meeting – Biñan noong ika-15 ng Hulyo ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for Luzon (FODL) sa pamamagitan nina FODL TOASG Personnel, Ms. Shella Largo at Mr. Nonilon Cajandab Jr.
 
Pinasinayaan naman ng kanya-kanyang ahensya ang paglalahad ng bawat update sa mga gampanin at napagkasunduan sa nakaraang LIAC na ginanap noong ika-17 ng Hunyo. Una na rito ang update patungkol sa land appraisal at resolusyon na naglalayong masiguro na ang mga pamilyang maapektuhan ng proyekto ng gobyerno o Project Affected Persons (PAPs) ay may sapat na matatanggap na tulong at maayos na relokasyon.
 
Dagdag pa rito, inilatag din ng DOTr ang mga naging usapan sa ginanap na Livelihood Sub-Committee meeting na kung saan ay inihayag dito ang mga programang pangkabuhayan ng ilan sa mga ahensyang kasapi ng komite at ng Lokal na Pamahalaan ng Biñan para sa mga PAPs tulad na lamang ng Livelihood/Technical Skills Training at mga trabaho. Sinamantala na rin ng DHSUD na buksan ang usapin sa pagsasagawa ng Livelihood Workshop. Dito ay inihayag ng DOTr ang suhestiyon nito na pag-usapan itong mabuti sa darating na Livelihood Sub-committee meeting.
 
Bilang bahagi ng gampanin ng Komisyon sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, patuloy ang pakikibahagi ng PCUP sa mga ganitong pagpupulong upang masiguro na naaayon sa batas at dumadaan sa ligal na proseso ang bawat usapin sa paninirahan gayundin ay upang matiyak ang karapatan ng bawat pamilyang maapektuhan ng proyekto ng pamahalaan at mabigyan ang mga ito ng nararapat na relokasyon. ###
 
via | PCUP Luzon