May be an image of 1 person, sitting, standing and indoor

22 Hulyo 2021

Hindi napigil ng malakas na pagbuhos ng ulan ang patuloy na pagbaba ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa mga komunidad upang maghandog ng kasanayan para sa mga maralitang tagalungsod.
 
Upang tumalakay sa gusot, negosasyon at kontrata, tinungo ng Field Operations Division for Luzon (FODL) ang Angono, Rizal kahapon, ika-21 ng Hulyo.
Ang Capability Building Program na ito ay sa pangunguna ni Mr. Robert U. Bonifacio—FODL Officer-in-Charge katuwang si Ms. Kimberly Edraisa—Area Coordinator ng Rizal, sa pakikipagtulungan sa Lokal na Pamahalaan ng Angono sa pamamagitan ng Urban Settlement and Development Unit.
 
Layunin nito na maipaunawa sa mga nagsipaglahok ang kaparaanan sa epektibong pagsasaayos ng gusot sa isang samahan gamit ang mapayapang komunikasyon, mga payo sa pakikipagnegosasyon at mga prinsipyo sa kontrata at gayundin ang kontrata sa pagbili ng lupa na kung saan ay dinagsa ng mga katanungan na sinikap ding sagutin ng mga kinatawan ng Komisyon.
 
Sinamantala na rin ng FODL ang pagkatataong ito upang higit pang ipakilala sa kanila ang Komisyon—ang mandato nito, programa at mga pangunahing serbisyo partikular ang Three Priority Programs: PCUP Caravan, Urban Poor Privilege Card at Adopt and Urban Poor Community.
 
Ang programang ito ay patunay sa hangarin ng PCUP sa ilalim ng pamumuno at direktiba ni PCUP Chairman/CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na higit pang palakasin ang mga maralitang samahan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga kaalaman at kasanayan na kanilang magagamit upang higit pang pamunuan ang kanilang mga sarili. ###
 
via | PCUP Luzon