MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 8 people, screen and text

26 Hulyo 2021

Isang pulong kasama ang mga Urban Poor Leaders ng Pasay City ang pinangunahan ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) noong Hunyo 20 sa pamamagitan ni Mr. Harlon Agsaoay—PCUP NCR Area Coordinator.
 
Layon ng nasabing pulong na talakayin ang tungkol sa magaganap na General Assembly ng mga Urban Poor Organizations (UPOs) sa Pasay City pati na ang Election Committee at ang mismong Eleksiyon ng mga oisyales.
 
Samantala, mas maigting na kampanya ang patuloy na isinusulong ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang palakasin ang hanay ng mga maralitang samahan sa bansa na magiging representante ng sektor ng mahihirap sa pagbubuo ng mga polisiya at pagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa mga ito. ###

via | PCUP NCR