MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 10 people and text that says 'BASIC ORIENTATION SEMINAR (BOS) Field Operations Division for National Capital Region (FOD-NCR) COMMASTINE SANDIGAN @SM #PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph (02) 8-362-0220 Q-BAGWIS-S PCUPOfficial <a href=

26 Hulyo 2021

Nagsagawang muli ng isang Basic Orientation Seminar (BOS) ukol sa akreditasyon para sa mga opisyales at miyembro ng iba’t ibang Urban Poor Organizations (UPOs) mula sa Quezon City ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR).
 
Kabilang sa mga UPOs na ito na dumalo sa aktibidad ay ang:
1. Sitio Cabuyao Neighborhood Association Inc.
2. Luckyrich Neighborhood Association Inc.
3. Samahang Pinagbuklod ng Sauyo Road (SPSR)
4. Samahang Pinagbuklod ng Sauyo Road (SPSR) 85 Area Chapter
5. Samahan ng Magkakapitbahay sa 74 Judge Juan Luna
6. Lower Franc Neighborhood Association
7. Q-Bagwis MN Residents Civic Society Association Inc.
8. Q Sweety Home Livelihood Association Inc.
9. Sandigan ng Maralitang Nagkakaisa (SAMANA) - North Triangle Neighborhood Association Inc.
10. Samariños Neighborhood Association.
 
Ang aktibidad ay naging matagumpay sa pangangasiwa nina Mr. Edgard U. Labaco—PCUP NCR Area Coordinator at Ms. Maricel Arceo—PCUP NCR Accreditation Officer.
 
Kumpiyansa naman si PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na ang mga hakbanging ito ay makatutulong upang mas mapalawak pa ang hanay ng mga maralitang tagalungsod na makikinabang sa mga programa at serbisyo ng PCUP gayundin ng iba pang ahensya ng pamahalaan. ###
 
via | PCUP NCR