MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 2 people, people standing and people sitting

26 Hulyo 2021

Maayos na pinadaloy ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) ang isang Pre-Demolition Conference (PDC), sa pangangasiwa ni Ms. Olypmia DC Micor—PCUP NCR Officer-in-Charge katuwang si Ms. Ropila S. Bonifacio—PCUP NCR Area Coordinator kaugnay sa usaping “Petition for Issuance of a Writ of Possession over Two (2) Parcels of Land covered by TCT No. PT-92246 and PT- 92247” na ginanap noong ika-26 ng Hulyo.
 
Dito ay ipinaliwanag ng PCUP sa mga dumalong ahensya, mga apektadong pamilya at stakeholders ang isinasaad sa Section 28 ng Republic Act 7279 o ang Urban Development and Housing Act (UDHA) para sa isang makatao at makatarungang demolisyon at ebiksyon.
 
May be an image of 2 people, people sitting, people standing and indoor
 
Napagkasunduan din sa pulong na ang mga magiging kwalipikadong pamilya ay may opsyon na mamili ng kanilang nais na relocation assistance—financial assistance o kaya naman ay Balik Probinsya.
 
Samantala, magpapalabas naman ng Notice to Vacate para sa mga pamilyang aalis ang Sheriff 30 araw bago ang aktwal na petsa ng ebiksyon para bigyan ng sapat na panahon ang LGU na asikasuhin ang relocation assistance ng mga pamilyang mawawalan ng tirahan habang ang LGU Pasig at ang NHA ay magsusumite rin ng Certification of Availability of Adequate Relocation. Maaari ring magpasa ng Certification of Availability of Financial Assistance ang LGU Pasig sakaling walang relokasyon na aabot sa minimum daily wage na katumbas ng 60 araw. Ang mga nabanggit na sertipikasyon ay kailangang maisumite agad sa PCUP.
 
Patuloy na pinaniigting ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ang pakikibahagi sa mga aktibidad na may kinalaman sa interes at kapakanan ng lahat ng mga maralitang tagalungsod lalo na kung ito ay tungkol sa usapin ng paninirahan. ###
 
via | PCUP NCR