May be an image of 2 people, people standing and text that says 'ස0 #PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph pcup. go (02) 8-362-0220 PCUPOfficial <a href=

27 Hulyo 2021

Upang higit pang ikampanya ang kapayapaan at pagkakaisa sa sektor ng maralita, nakipagpulong ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa Philippine Army’s 5th Infantry Division Officers nitong ika-20 ng Hulyo.
 
Sumadya ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) sa pangunguna ni Mr. Wilfredo Siena—Area Coordinator ng Baguio City, katuwang sina Ms. Pamela Bianca Agres—Area Coordinator at Mr. Lord Cedie Subia— FODL TOASG, sa Camp Henry Allen, Brgy. Camp Allen, Baguio City upang makapanayam sina Col. Christopher Sab-it—Deputy Brigade Commander of the 503rd Brigade, Col. Magtangol Panopio—Batalion Commander at 2nd Lt. Jake Bariacion.
Matatandaan na nauna nang bumisita si 2nd Lt. Bariacion sa tanggapan ng Komisyon.
 
Sa muling pagkikita na ito ay inaasahan ang mas pinaigting pang pagtutulungan sa pagitan ng Komisyon at ng mga opisyal tungo sa mas malawakang pagseserbisyo sa mga maralitang lungsod sa lugar.
 
Ang lahat ng ito ay sa direktiba ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na patunay sa pagiging tapat ng Komisyon sa gampanin nitong maging direktang tulay ng mga maralita sa mga programa at serbisyo ng pamahalaan. ###
 
via | PCUP Luzon