May be an image of 3 people, people sitting, people standing and text that says '#PCUPATYOURSERVICE pcup.gov.ph (02)8-362-0220 PCUPOfficial <a href=

27 Hulyo 2021

Nagsagawa ng konsultasyon ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) para sa mga kasapi ng Rocky Mount Apostles Association, Inc. noong ika-21 ng Hulyo.
 
Nakipanayam sina Mr. Wilfredo Siena—Area Coordinator ng Baguio City katuwang sina Ms. Pamela Bianca Agres—Area Coordinator at Mr. Lord Cedie Subia ng TOASG sa mga kasapi ng samahan sa pangunguna ni Ms. Lorraine Estimada.
 
Sumentro ang kanilang hinaing sa mga isyu na may kinalaman sa lupang inookupahan ng kanilang samahan at ang kanilang kagustuhan na maiparehistro ito sa Land Registration Authority sa tulong na rin ng PCUP. Ipinahayag din ng samahan ang kanilang kagustuhan na sumailalim sa oryentasyon ng Komisyon patungkol sa mga batas hinggil sa pagmamay-ari, pagbibili at pag-aangkin ng lupa na anila ay makatutulong para sa kanila.
 
Ang konsultasyong ito ay suportado ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na nagbibigay direktiba sa higit na pagpapalakas sa mga maralitang samahan tungo sa kanilang pakikiisa sa rekomendasyon at pormulasyon ng mga programang makaaapekto sa kanila. ###
 
via | PCUP Luzon