MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

13 Setyembre 2021

Binisita ng PCUP – Resettlement Unit (ResU), sa pangunguna ni Mr. Daniel Ramirez—PCUP ResU Head kasama sina Mr. Randy Benavidez at Mr. Erickson Bagsic—PCUP ResU Area Coordinators ang mga pinuno ng Southville 2 Phase 3 Homeowner’s Association (HOA) sa Barangay Cabuco, Trece Martires, Cavite noong Setyembre 08.

Ito ay upang makumusta ang kasalukuyang kalagayan ng mga residente sa nasabing pabahay na siyang mga inilikas mula sa Kalakhang Maynila. Ang Southville 2 Phase 3 ay isa sa mga National Housing Authority (NHA) resettlement sites na nabiyayaan ng tulong pinansyal mula sa iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Resettlement Governance Assistance Fund (RGAF) at mga livelihood starter kits noong 2017.

Makalipas ang apat na taon, inalam ng PCUP ResU ang kanilang buhay lalo na’t matindi ang naging epekto ng pandemya sa sektor ng mahihirap nang sa gayon ay matukoy ang mga angkop na serbisyo at programang posibleng maibigay sa mga ito.

Patuloy namang sinusuyod ng PCUP ang mga resettlement areas sa bansa, alinsunod sa direktiba ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang makakalap ng datos kaugnay sa mga pangunahing suliranin na nararanasan ng mga ito at agad na mabigyan ng katugunan. ###

via | PCUP Resettlement Unit