MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

FA49BEEC F8E1 4D08 A156 833F79A4E5DD

13 Setyembre 2021

Nagkaroon muli ng isang koordinasyon ang PCUP Resettlement Unit (ResU) sa mga pinuno ng barangay at mga pabahay sa bayan ng Balagtas, Bulacan nitong nakaraang Setyembre 9.

Kasama sina PCUP ResU Program Development Officer, Mr. Jesse Jacildo, at PCUP ResU Area Coordinators, Ms. Grace Anne Correa at Ms. Olive Quintero, kanilang tinungo ang Northville 6, Barangay Santol, at Northville 6A at 6B, Barangay Pulong Gubat.

Sa kanilang pagbisita ay nakausap nila ang mga punong barangay ng mga nasabing lugar at ang mga kinatawan ng mga nasabing pabahay.

Ibinahagi naman ng mga ito ang kalagayan ng kanilang mga residente na nahihirapan sa hindi sapat na pa tubig at kawalan ng kabuhayan.

Ang PCUP ResU Profiling ay naglalayon na alamin ang mga estado ng mga pabahay sa iba’t ibang rehiyon upang makapagsagawa ng mga programa tungo sa kaunlaran sa nasabing komunidad.

Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, sa mga susunod na araw ay patuloy ang pagkalap ng mga datos ng PCUP mula sa iba pang mga pabahay at relocation areas upang maisama sa isinasagawang profiling ng mga resettlement sites. ###

via | PCUP Resettlement Unit