MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

5875F41D 6A0C 464A 9002 8C991A4C1714

13 Setyembre 2021

Nagsagawa ang PCUP Resettlement Unit (ResU) nitong Sabado, Setyembre 11, ng isang Capability Building Program (CBP) for the Resettled Communities sa Camarin Residences 1, Barangay 175, Camarin, Caloocan.

Pinangunahan ang nasabing pagsasanay nina PCUP ResU Head, Mr. Daniel Ramirez, at ResU Area Coordinator, Mr. Paul John Constante.

Muling nakasama ng PCUP ResU si Ms. Rosana Recio—TESDA Accredited Trainer upang magbigay kaalaman sa mga lumahok sa paggawa ng Liquid Fabric Conditioner at iba pang produktong sabon na naising gawing negosyo ng mga residente ng naturang pabahay.

Bukod sa training ay nagkaroon din ng oryentasyon sa mga programa ng PCUP.

Sa pagtatapos, ang mga kalahok ay binigyan ng paunang kapital na kasangkapan sa napiling produkto upang maging simula ng kanilang minimithing kabuhayan.

Sa panahon ng pandemya kung saan buhay at kabuhayan ng mga maralitang tagalungsod ang apektado, ipinag-uutos ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ang pagpapaigting sa mga alternatibong gawaing pangkabuhayan sa pamamagitan ng CBP ng Komisyon. ###

via | PCUP Resettlemt Unit