MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

67590B67 ED3C 4386 9258 13C715A41FBB

13 Setyembre 2021

Isang Online Capability Building Program (CBP) na may paksang “Basic Negotiations and Fundamentals of a Contract” ang inihatid ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) para sa 50 maralitang tagalungsod na miyembro ng siyam na magkakaibang pederasyon at samahan mula sa Lucena City, Quezon Province na ginanap ngayong araw, Setyembre 13.

Ang naturang aktibidad ay pinangasiwaan ni Ms. Rica S. Pakingan—PCUP Luzon Area Coordinator habang nagsilbi namang tagapagsalita sa seminar si Mr. Robert U. Bonifacio—PCUP Luzon Officer-in-Charge na siyang tumalakay at nagbigay linaw hinggil sa mapayapa, maayos, at tamang pamamaraan ng pakikipagnegosyo sa bawat alitan o conflict. Binigyang linaw rin niya ang mga paraan at batayan sa paggawa ng kontrata partikular na sa pagmamay-ari ng lupa.

Aktibo namang nakibahagi sa talakayan ang mga kalahok at nagkaroon ng makabuluhang palitan ng mga tanong na siya namang malugod na sinagot ni Mr. Bonifacio upang higit na maintindihan ng mga dumalo ang paksa.

Sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, patuloy ang Komisyon sa pagbababa ng mga kahalintulad na programa upang bigyan ng kaalaman ang mga maralitang tagalungsod tungo sa pag-angat ng kapasidad at antas ng pamumuhay ng mga ito. ###

via | PCUP Luzon