MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

AF907EDB CC85 43CB A44B FF9F78E601BB

12 Oktubre 2021

Nagsagawa ng Capability Building Training on Livelihood Fabcon Making ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) sa Coron, Palawan na dinaluhan ng mga kasapi ng Samahan ng Kababaihan sa Coron sa pakikipagtulungan ng MSWD-Coron.

Ani PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, layunin ng aktibidad na ito na magbigay ng mga bagong kaalaman at kasanayan sa mga maralitang tagalungsod hinggil sa mga bagay na may kaugnayan sa kanilang pag-unlad.

Dahil sa pagsasara ng isla sa mga turista na siyang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng bayan, maraming mga pamilya ang nalugmok ang kabuhayan at tila nawalan ng pag asa. Ayon sa mga dumalo, naaangkop ang nga ganitong training dahil karamihan sa kanila ay nawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

Maliban sa fabric conditioner making, ipinakilala rin sa mga nagsipaglahok ang PCUP bilang ahensiya ng pamahalaan na itinatag upang magsilbing tulay ng maralita sa pamahalaan, lalo na sa tanggapan ng Pangulo at makakuha ng akmang suporta at programang tutugon sa kanilang pangangailangan. Nagbahagi rin ng ilang business principles, pamamaraan ng pagnenegosyo, pag-iingat sa salapi at wastong pamamahala at pagpapaikot ng kita ang Komisyon.

Inalam naman ng mga dumalo kung saan maaaring bumili ng raw materials sakaling nais nilang ipagpatuloy ang kanilang negosyong fabcon at dito ay tiniyak ng MSWD-Coron na kanilang susubaybayan ang pagsusulong ng kabuhayan ng mga kababaihang dumalo sa naturang pagsasanay. ###

via | PCUP Luzon