MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

13 Oktubre 2021

Nagpulong ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) at mga opisyales ng Federation of Coron Farmers and Fisherfolks, sa pamamagitan ni Mr. Rudy Cadampog, Federarion President at Dr. Raymond Echague, Board of Director noong ika-09 ng Oktubre upang talakayin ang katayuan ng samahan at kung paano makatutulong ang Komisyon sa kanilang kinakaharap na suliranin.

Ang inisyatibang ito, ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ay naglalayong makapagbigay ng angkop na tulong sa mga isyu at problemang ligal ng mga nasabing residente.

Ayon kay Mr. Cadampog, labis na naghirap ang mga magsasaka at mangingisdang kasapi ng kanilang samahan dahil sa pagbagsak ng turismo sa kanilang bayan at maraming nawalan ng hanapbuhay dahil sa pagsasara ng mga negosyo. Dagdag pa rito, marami sa kanilang mga produkto ay hindi na gaanong tinangkilik dahil mga residente na lamang ang kanilang mamimili at marami ang nasasayang dahil hindi nabibili.

Hiling ni Mr. Echague, nawa’y mailapit ang samahan sa mga ahensya ng pamahalaan na nagbibigay ng libreng binhi para sa kanilang 1,200 na kasaping magsasaka. Dagdag pa ni Mr. Cadampog, sana ay mabigyan ng financial grant ang kanilang Multi-Purpose Cooperative at puhunan ang kanilang binabalak na social enterprise kung saan malaking tulong ito sa kanilang mga kasapi, lalo na para sa mga nawalan ng hanapbuhay.

Sa usaping palupa naman, umaasa pa rin ang samahan na mabiyayaan sila ng lupa mula sa YKR Property na kasalukuyang nasa pangangalaga ng DENR matapos itong ma-sequester ng PCGG. ###

via | PCUP Luzon