MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

1A480DBD F269 45F2 81A0 138092E91538

13 Oktubre 2021

Labis ang naging pasasalamat ni Ms. Corazon Bañadera sa PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) matapos itong makadalo sa isinagawang livelihood training ng Komisyon noong ika-12 ng Oktubre. Aniya, “Sa kabila ng pandemya, marami pong salamat sa pagkakataong matuto ng kasanayan na maaring mapagkunan ng kabuhayan.”

Ayon kay PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, layunin ng aktibidad na makapaghatid ng mga kapaki-pakinabang na pagsasanay at programa sa mga maralitang tagalungsod lalo’t higit sa mga lugar na apektado ng pandemya.

Isa lamang si Ms. Bañadera sa mga piling kasapi ng Salvacion Ilaw Village HOAI na nabigyang oportunidad na makapagsanay sa paggawa ng dishwashing liquid at tumanggap ng livelihood starter kits mula sa Komisyon sa pangangasiwa ni Mr. Victor Allan C. Ilagan—PCUP Luzon Area Coordinator, sa pakikipagtulungan sa National Housing Authority (NHA) – Region 5.

Ang mga kalahok ay hinikayat ding ipagpatuloy sa maliit na negosyo ang panimulang ito tulad ng iba pang maralitang samahan na sumailalim sa nasabing programa na ngayon ay may sariling kabuhayan na. ###

via | PCUP Luzon