D8AD5EA2 D7D3 4A0A 9B28 CFA155B2475D

13 Oktubre 2021

Ibinalita ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Field Operations Divison for Visays (FODV) na may 15 kabahayan mula sa Cebu City ang magiging benepisyaryo ng socialized housing.

Ani PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, ang naturang aktibidad ay isa sa mga hakbangin para masiguro ang security of tenure ng mga maralitang komunidad.

Bilang co-chair ng Local Housing Board (LHB) Sub-Committee on Beneficiary Selection and Screening, akitbong nakilahok ang ang PCUP FODV sa screening process kasama ang ilang kawani ng Cebu City-Division on the Welfare of the Urban Poor (DWUP).

Samantala, kinapapalooban ang nasabing bilang ng: 5 benepisyaryo mula sa KAPASAR ng Brgy. Budlaan at 10 mula naman sa NALCABA HOA ng Brgy. Hipodromo. ###

via | PCUP Visayas