MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

C25EFA32 75F3 4FA4 B126 1B761A530186

13 Oktubre 2021

Nasa 90 sets ng health kits, cell card, at starter kits ang ipinamahagi ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) para sa mga Urban Poor Organizations (UPOs) ng Fairview, Quezon City, kahapon Oktubre 12.

Bahagi ang aktibidad na ito sa isinusulong ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na mas mabigyan ng oportunidad ang mga maralitang tagalungsod sa aspeto ng paghahanapbuhay at negosyo na maari nilang magamit sa kanilang araw-araw na buhay.

Pinangasiwaan naman ni Mr. Dennis Protacio—Area Coordinator for QC ang nasabing distribusyon sa mga designated drop-off points sa Fairview Barangay Hall, na siyang tinanggap ng mga piling opisyales ng Alegria Republic Avenue Neighborhood Association Inc., Q-Bagwis MN Residents Civic Society Association Inc., Q Sweety Home Livelihood Association Inc., at Fairview Lilac Neighborhood Association (FLNA), Inc.

Pawang gagamitin ang mga kits na natanggap sa gaganaping Livelihood Caravan-Training on Liquid Dishwashing Soap Making via Zoom. ###

via | PCUP NCR