MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

14 Oktubre 2021

Personal na tinungo noong Oktubre 11 ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL), sa pangunguna ni PCUP Luzon Area Coordinator, Mr. Ju-Arthur D. Deliz ang samahang Lote ng Bagbaguin United Citizens Endeavors Association, Inc. mula sa Barangay Bagbaguin, Sta. Maria, Bulacan upang ilatag ang mandato, mga programa at serbisyo ng PCUP para sa mga maralitang tagalungsod gayundin ang mga benepisyong maaaring matamo ng isang samahan bilang isang accredited urban poor organization (UPO).

Ito ay parte ng inisyatiba ng Komisyon, sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang hikayatin ang mga maralitang samahan na magpa-accredit at makatamasa ng mas mabilis na akses sa mga programa at serbisyo ng PCUP.

Dito ay ibinahagi sa mga kalahok ang probisyon o pagkakaloob ng Sustainable Livelihood Programs (SLP), pag-eendorso ng mga potensyal na iskolar sa alok na skills training ng TESDA, at pagsasagawa ng mga Capability Building Trainings.

Kasabay nito, kinumpirma at nagsagawa rin ng balidasyon patungkol sa isyu na kinakaharap ng samahan sa usapin ng paninirahan. Dito ay pinayuhan ni Mr. Celiz ang samahan na makipag-ugnayan sa nagmamay-ari ng lupa para sa posibleng pagbili at pagmamay-ari nito. Sinisiguro naman ng Komisyon na handa itong tumulong sa pagproseso ng pagkuha ng lupa at nang sa gayon ay magkaroon ng kasiguruhan sa paninirahan ang samahan. ###

via | PCUP Luzon