MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

 

14 Oktubre 2021

Muling naghatid ng isang Capability Building Program (CBP) ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) para sa mga kasapi ng Pinagbobong Pagkamoot Village 1 Resettlement Site HOA na ginanap kahapon, ika-13 ng Oktubre. Bukod sa pagsasanay sa paggawa ng dishwashing liquid ay nakatanggap din ang mga kalahok ng mga livelihood starter kits at IEC materials mula sa Komisyon.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na bilang tugon sa malawakang epekto ng pandemya sa kabuhayan ng mga maralitang tagalungsod, mahalaga aniya na mabigyan ng mga bagong kasanayan at kaalaman ang mga ito ukol sa mga bagay na may kinalaman sa pagnenegosyo at paghahanapbuhay.

Buong puso namang nagpasalamat ang mga benepisyaryo sa Komisyon, partikular na kay Mr. Victor Allan C. Ilagan—PCUP Luzon Area Coordinator na siyang nangasiwa sa pagsasanay katuwang ang NHA kasama ang LGU – Tabaco City, sa pamamagitan ng Urban and Rural Poor Affairs Office.

Umaasa naman ang PCUP na mas magiging aktibo pa ang naturang samahan sa paglahok sa mga programa ng Komisyon sa pamamagitan ng pagpapasa ng aplikasyon sa akreditasyon ng Komisyon at maging kaagapay sa pagpapaunlad sa sektor ng maralita. ###

via | PCUP Luzon