MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

85B3DEF5 1E2E 434E A23E E026F7E8D905

14 Oktubre 2021

Nagsagawa ng isang courtesy visit si PCUP – Field Operations Division for Visayas (FODV) Officer-in-Charge, Mr. Neil Victor C. Saril kay OIC of TESDA Toledo City, Engr. Ricardo V. Davidon, kasama si TESDA Specialist Ruel C. Ortilla noong Setyembre 15 upang talakayin ang kasalukuyang status ng mga maralitang tagalungsod na naendorso ng Komisyon para sa scholarship program gayundin ang pagsasagawa ng mga skills training ng TESDA para sa mga urban poor organizations (UPOs) sa Toledo City.

Ito ay bahagi ng nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) ng PCUP, sa pangunguna ni Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano at ng TESDA upang makapagbigay ng mas malawak na oportunidad sa libreng edukasyon sa mga maralitang tagalungsod sa pamamagitan ng PCUP Scholarship Caravan.

Samantala, ang naturang pagsasagawa ng mga pagsasanay at skills training ay ipapatupad katuwang ang CAD Toledo na magsisimula na sa susunod na linggo. ###

via | PCUP Visayas