MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

3E2BD243 38C9 40F5 A571 0CACA8D82EB1

14 Oktubre 2021

Nangasiwa ng magkakasamang Health, Food, at Livelihood Caravan ang PCUP – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) noong ika-13 ng Oktubre para sa 90 maralitang tagalungsod na miyembro ng Alegria Republic Avenue Neighborhood Association Inc., Q-Bagwis MN Residents Civic Society Association Inc., Q. Sweety Home Livelihood Association Inc., at ng Fairview Lilac Neighborhood Association (FLNA), Inc. na ginanap via blended learning.

Dito ay nagbigay ng kanyang mensahe si PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano at aniya ay patuloy na nagsasagawa ng angkop na mga serbisyo ang PCUP sa mga komunidad ng maralita ngayong panahon ng pandemya lalo na sa aspeto ng pagkain, kalusugan, at hanapbuhay. Nagbigay rin ng kanilang mga mensahe ng pagbati sina PCUP Supervising Commissioner for NCR Melvin P. Mitra at PCUP NCR Officer-in-Charge, Ms. Olympia DC. Micor.

Bilang parte ng Livelihood Caravan ay nagsagawa ng skills training sa paggawa ng dishwashing liquid ang PCUP na magagamit ng mga nagsipagdalo bilang alternatibong hanapbuahy sa panahon ng pandemya.

Nagkaroon din ng isang oryentasyon hinggil sa mga pamamaraan ng pag-iwas sa COVID-19 virus na bahagi naman ng Health Caravan ng Komisyon.

Kabilang din sa mga natanggap ng mga naging benepisyaryo ay 90 sets ng health kits, cell cards, at mga starter kits. ###

via | PCUP NCR