F89BB9D6 27A3 4DC3 8013 4BA8AE56DD6F

14 Oktubre 2021

Nasa 60 miyembro mula sa sampung urban poor organizations (UPOs) ang naging benepisyaryo ng isinagawang Food, Health, at Livelihood Caravan ng PCUP – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR) noong ika-13 ng Oktubre.

Sa kanyang video message, sinabi ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano na ang aktibidad ay bahagi ng inisyatiba ng PCUP upang magsulong ng mga angkop na serbisyo at programa para masolusyunan ang mga problemang panlipunan na kinakaharap ngayon ng bansa bunsod ng COVID-19 pandemic partikular na ang kagutuman, problema sa kalusugan at hanapbuhay. Dito ay nagbigay rin ng kanilang mga mensahe ng pagbati sina PCUP Supervising Commissioner for NCR Melvin P. Mitra at PCUP NCR Officer-in-Charge, Ms. Olympia DC. Micor.

Ibinahagi sa naturang programa ang mga pamamaraan ng pag-iwas sa COVID-19 sa pamamagitan ng isang audio visual presentation (AVP) na sinundan naman ng isang skills training ukol sa paggawa ng empanada. Pagkatapos nito ay binahagian din ang lahat ng mga kalahok ng health kits at starter kits na mula sa PCUP.

Samantala, ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ni PCUP NCR Area Coordinator, Mr. Harlon Agsaoay na siyang nagsilbing tagapagpadaloy ng programa. ###

via | PCUP NCR