F34792DF C913 47A5 B163 BFBD795360B2

14 Oktubre 2021

Muling nagsagawa ng isang Accreditation Caravan ang Presidential Commission for the Urban Poor-Field Operations Division for Mindanao (PCUP-FODM), nitong ika-13 ng Oktubre para sa 40 na mga opisyales at miyembro mula sa 11 na mga maralitang samahan sa bayan ng Maasim, Sarangani Province.

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng direktiba ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang mismong tunguhin ang mga komunidad ng maralita at ilapit sa mga kababayang mahihirap ang mga serbisyo at programa ng Komisyon.

Tinalakay ni Mr. Carl C. Catedrilla—Area Coordinator ang tungkol sa mandato at serbisyo ng PCUP pati na rin ang mga benepisyo at programa na maaaring matamasa ng isang lehitimong samahan ng maralita. Binigyang paliwanang din ni Mr. Catedrilla ang tungkol sa guidelines, mga dokumentong kinakailangan, at proseso ng akreditasyon.

Ibinahagi naman ni Ms. Marianita C. Banjao—Area Coordinator, ang tungkol sa Section 28 ng Republic Act 7279 o Urban Development Housing Act (UDHA) na may kinalaman ukol sa makataong demolisyon at ebiksyon.

Pagkatapos ng aktibidad ay nakatanggap rin ng mga COVID-19 Hygiene kit ang mga partisipante. ###

via | PCUP Mindanao