E7B75C60 67F9 4711 93EE 3ECD5893D279

15 Oktubre 2021

Nakipagdiyalogo ang PCUP – Resettlement Unit (ResU) sa pamunuan ng homeowners’ association (HOA) ng Kasiglahan Village 2 Medium-Rise Building, Barangay Ususan, Taguig City nitong Oktubre 11 sa pamamagitan nina PCUP ResU Monitoring Officer, Ms. Amihan Adriano at ResU Area Coordinator, Mr. Noli Madeja upang alamin ang sitwasyon ng mga residente sa gitna ng pandemya.

Ito ay bahagi ng pagpapaigting ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano sa mga monitoring activities ng Komisyon upang malaman ang kasalukuyang sitwasyon ng mga relocation sites at matukoy ang mga pangunahing suliranin ng mga ito para sa angkop na solusyon.

Dito ay napag-alaman na karamihan sa mga residente ng naturang medium-rise building ay nailikas noon pang 1999. Ito ay isa lamang sa mga pabahay ng National Housing Authority (NHA) sa nasabing lungsod. Sila rin ay nagbahagi ng iba pang mga kwento at karanasan batay sa profiling tool ng PCUP ResU tulad ng mga isyu sa mga pasilidad at kaayusan ng kanilang komunidad. ###

via | PCUP Resettlement Unit