15 Oktubre 2021

Nito lamang Oktubre 11 ay tinungo ng PCUP – Resettlement Unit (ResU), sa pamamagitan nina PCUP ResU Area Coordinators, Mr. Erickson Bagsic, Mr. Randy Benavidez, at Mr. Paul John Constante ang Phase 6, Southville 1, Cabuyao, Laguna upang maghatid ng oryentasyon ukol sa mga programa at serbisyo ng Komisyon at magsagawa ng isang TESDA Community-based Skills Training kasama si Ms. Rosana Recio—TESDA Accredited Trainor para sa mga residente roon.

Isa ang programang ito sa patuloy na isinusulong ni PCUP Chairman at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ngayong panahon ng pandemya upang magbigay ng mga bagong kaalaman at kasanayan sa mga maralitang tagalungsod na kanilang magagamit sa pagpapaunlad ng sarili at ng komunidad.

Dito ay itinuro ni Ms. Recio sa mga kalahok ang mga pamamaraan sa paggawa ng tocino at longganisa na maaaring gawing hanapbuhay ng mga ito. Nagbigay rin ng karagdangang kasanayan sa pagnenegosyo ang mga kawani ng PCUP ResU kasama ang Pamahalaang Lokal ng Cabuyao. ###

via | PCUP Resettlement Unit