MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

E21390C5 9224 4CCD A099 639506FAF9D2

22 Nobyembre 2021

Bilang paghahanda sa nalalapit na Food Caravan sa Sual, Pangasinan, tumungo ang mga kawani ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) ngayong araw, Nobyembre 22 sa Lokal na Pamahalaan ng Sual upang maiayos ang mga kakailanganin sa pagdaraos ng programa.

Ang naturang programa ng PCUP, sa ilalim ng pamumuno ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ay naglalayong maituro sa mga maralita ang mga praktikal at masustansyang paraan ng pagluluto ng mga pagkaing karaniwang nakikita sa mga relief packs gaya ng delata at instant noodles.

Sa isinagawang courtesy visit kay Municipal Administrator Christopher Babera, naikasa na ng PCUP at ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Sual ang mga detalye sa gagawing caravan. Ayon kay Admin Babera, nasa 37 kababaihan mula sa iba't ibang samahan ang target na maging benepisyaryo ng Food Caravan.

Ibinahagi rin ng PCUP ang plano nito na mailatag sa mga Sualinians ang mga mandato, programa at proyekto na patuloy nitong ibinababa sa mga maralitang komunidad partikular na sa aspeto ng kabuhayan. Bukod dito, naghatid din ng 300 starter kits ang PCUP sa munisipalidad na nakatakdang ipamahagi sa mga benepisyaryo sa darating na Nobyembre 24. ###

via | PCUP Luzon