MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

22 Nobyembre 2021

Binigyang puri ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) ang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales matapos itong maglabas ng kautusan sa lahat ng lalawigan sa probinsya na mag-imbentaryo ng mga ISFs upang matukoy ang lahat ng potensyal na benepisyaryo ng programang socialized housing.

Ayon kay PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, mahalaga ang mga gawaing ito at iba pang mga kaparehong aktibidad ng mga lokal na pamahalaan nang sa gayon ay mabigyan ng kasiguraduhan sa pinansiyal na tulong ang mga maralitang tagalungsod na apektado ng mga aktibidad ng demolisyon at ebiksyon.

Sa katatapos lamang na pulong ngayong araw, Nobyembre 22 ng Provincial Interagency Committee (PIAC) on Socialized Housing Program, sinang-ayunan ng PCUP ang hakbang ng Pamahalaang Panlalawigan bilang pagtalima nito sa Section 17 ng Republic Act 7279 o ng Urban Development and Housing Act (UDHA) na siyang isinusulong ng Komisyon sa mga patawag na mga IAC meeting sa Luzon.

Binigyang diin naman dito ng PCUP ang pagsunod ng mga stakeholders sa mga kahingian ng UDHA upang tiyakin ang makatao at makatarungang ebiksyon at demolisyon na ipinag-utos ng Korte o mga apektado ng government infrastructure project. Iminungkahi rin ng PCUP sa PIAC na maging opsyon ang pagbibigay ng tulong pinansyal ayon sa halagang dinidikta ng UDHA para sa mga apektado ng court order demolition upang magsilbi nitong paunang bayad para sa pagsailalim sa Community Mortgage Program (CMP). ###

via | PCUP Luzon