MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

5D7BDC4C B42E 45CF BE62 4AFE86C5C5D0 

23 Nobyembre 2021

Muling nangasiwa ang PCUP – Field Operations Division for Mindanao (FODM) ng isang oryentasyon tungkol sa Gender and Development at Capability Building Program on Livelihood para sa 30 kalahok mula sa mga maralitang samahan ng Barangay Maa, Davao ngayong araw, Nobyembre 23.

Sa pamamagitan ng isang video message, binigyang importansya ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ang pagbibigay ng kaalaman ukol sa karapatan at batas ng mga kababaihan o anumang kasarian at ng mga angkop na programa at proyekto para sa kanila.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Ms. Mimia D. Canja—PCUP FODM Area Coordinator katuwang si Ms. Cindy Grace Paluga—TOSG Personnel.

Dumalo rin si PCUP Commissioner Norman B. Baloro na siyang Commissioner-in-Charge for Gender and Development upang magbigay ng inspirational message para sa mga kalahok gayundin si Punong Barangay, Pcito D. Cañete, Jr. na nagbigay naman ng pambungad na mensahe.

Sa unang bahagi ng oryentasyon ay tinalakay ni Ms. Catalina Dales ang mga paksa tungkol sa Gender and Development kabilang na ang Gender Concepts at Issues.

Sa ikalawang bahagi ng programa, ibinahagi ni Ms. Canja ang tungkol sa PCUP Capability Building Program on Livelihood sa pamamagitan ng Audio Visual Presentation gayundin ang COVID-19 and Vaccine Awareness and Protection. ###

via | PCUP Mindanao