MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 6 people, people standing and indoor

25 Nobyembre 2021

Matagumpay na isinagawa ng PCUP – Field Operations Division for Mindanao (FODM) ang isang Livelihood Training on Meat Processing with Orientation on COVID-19 and Vaccine Awareness kahapon, Nobyembre 24 na ginanap sa Women’s Center of Barangay Maa, Davao City.
 
Ang pagsasagawa at paghahatid ng ganitong programa at iba pang mga kahalintulad na aktibidad sa mga komunidad ng maralita ay patuloy na binibigyang prayoridad ni PCUP Chairperson at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano upang matulungan ang mga kababayang mahihirap na matuto ng mga bagong kaalaman at kasanayan na kanilang magagamit sa pagtatayo ng negosyo lalo na sa panahon ng pandemya.
 
Ang naturang pagsasanay ay aktibong nilhukan ng 32 miyembro ng mga maralitang samahang kinabibilangan ng mga motorista, drayber at operators ng nasabing barangay.
 
Nakiisa rin sa naturang gawain si PCUP Supervising Commissioner for Mindanao Norman B. Baloro na nagbahagi ng kanyang mensahe. Inanunsyo rin niya na ang mga nasabing partisipante ay kabilang sa magiging benepisyaryo ng TUPAD Program at Work for Davao kung saan siya ang naatasan na maging Program Head para sa implementasyon ng mga special projects ng nasabing lungsod.
 
Ito ay pinangunahan ni Ms. Mimia D. Canja—FODM Area Coordinator katuwang sina Ms. Cheri May N. Tila, Ms. Jessa Binan at Ms. Robelyn Pulido ng DOST XI na nagsilbing mga resource persons.
 
Dumalo rin upang magbigay ng ng kanyang suporta at pambungad na mensahe si Hon. Pacito D. Cañete, Punong Barangay ng Barangay Maa. ###
 
via | PCUP Mindanao