MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 4 people and indoor

25 Nobyembre 2021

Sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng PCUP – Field Operations Division for Mindanao (FODM) sa opisina ng City DRRM at City Agriculture Office ng Kidapawan City ay matagumpay na naisagawa ang isang pagsasanay tungkol sa Hydroponics Vegetable Gardening kahapon, ika 24 ng Nobyembre na ginanap sa Cooperative Training Center, City Cooperative Development Council (CCDC), Barangay Poblacion, Kidapawan City na nilahukan ng 30 miyembro ng iba’t ibang mga maralitang samahan.
 
Ang mga kahalintulad na aktibidad ay patuloy na itinutulak ng Komisyon, sa ilalim ng liderato ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang magbigay ng kasanayan at oportunidad sa maayos na buhay para sa mga maralitang tagalungsod.
 
Ang gawain ay pinangasiwaan nina Ms. Phyllis T. Daswani, Supervising Area Coordinator and FODM Assistant Head ksama sina Mr. Psalmer Bernalte, CDRRMC Head at Ms. Marissa T. Aton, City Agriculturist.
 
Nagsilbi namang resource persons sina Engr Pedro S. Jala, Jr., na nagmamay-ari ng JunJ's Lettuce Farm of Kalindog, at Mr. Richard M. Nicolas mula sa City Agriculture Office na nagbahagi ng mga pamamaraan kung paano mas mabilis na mapapalago ang mga pananim gamit ang outdoor soil at ang mga konsepto ng Hydroponics Planting.
 
Samantala, sa pagtatapos ng aktibidad ay labis namang nasiyahan ang mga lumahok dahil hindi lamang mga bagong kasanayan ang kanilang natutunan kundi magagamit din nila ang mga kaalamang nakuha upang makapagsimula ng munting halamanan at gulayan na maaaring mapagkunan ng kita. ###
 
via | PCUP Mindanao