MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 7 people, people sitting and people standing

25 Nobyembre 2021

Nangasiwa ng isang Pre-Coordination Meeting ang PCUP – Field Operations Division for Visayas (FODV) noong Nobyembre 24 kasama ang mga partner agencies nito bilang paghahanda sa gaganaping PCUP Mini Caravan sa Toledo City.
 
Ayon kay PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, layunin ng pulong na magkaroon ng maayos at mas maigting na koordinasyon ang Komisyons sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan at pribadong sektror para sa mabilis at epektibong paghahatid ng serbisyo sa maramitang tagalungsod.
 
Ang naturang gawain ay pinangunahan ni FODV Officer-in-Charge, Mr. Neil Victor C. Saril. Dito ay nailatag ang mga serbisyo at programang ihahatid ng mga kapartner na ahensya para sa kapakinabangan ng mga kababayang mahihirap na dadalo sa caravan gayundin ang pagpapatupad ng mga health protocols upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa mula sa banta ng COVID-19 virus.
 
Kabilang sa mga dumalo sa pulong ang mga kinatawan mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), Land Transportation Office (LTO), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Public Attorneys Office (PAO), 14 CMO Battalion Balamban Unit at iba't ibang tanggapan ng Local Government Unit (LGU).
 
Samantala, gaganapin ang nasabing caravan sa darating na Nobyembre 16 sa Toledo City Sports Complex, Poblacion, Toledo City. ###
 
via | PCUP Visayas