MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 5 people, people sitting and people standing

25 Nobyembre 2021

Dinaluhan ng 67 opisyales ng iba’t-ibang samahan sa Puerto Princesa City, Palawan ang Accreditation Caravan ng PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) noong ika-23 ng Nobyembre.
 
Ang aktibidad na ito, ayon kay PCUP Chairpseron at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano ay naglalayong hikayatin ang mga maralitang samahan na magpa-accredit sa PCUP para sa mas mabilis na akses sa mga serbisyo nito gayundin sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
 
Maliban sa Basic Orientation Seminar (BOS) patungkol sa mandato, mga serbisyo, at programa ng PCUP, tinalakay rin ang mga usapin kaugnay sa katiyakan sa paninirahan, kabuhayan at trabaho, at pagkakaroon ng pangunahing serbisyo gaya ng tubig at kuryente sa lugar.
 
Binigyang diin din sa naturang pagtitipon ang mga gampanin at mga maaaring matamasa ng mga samahan kung sila ay kikilalanin bilang accredited urban poor organization (UPO) ng PCUP.
 
Sa kabila nito, nilinaw ng Komisyon na ang pagpapa-accredit ay libre at boluntaryo. Dagdag pa ng PCUP, ang serbisyo nito ay hindi para lamang sa mga accredited UPOs kundi bukas din ang Komisyon sa anumang samahan na hihingi ng tulong.
 
Ang naturang caravan ay naging matagumpay sa pamamagitan ng pinaigting na koordinasyon ng Area Coordinator ng MIMAROPA sa naturang lungsod at sa tulong na rin ng Puerto Princesa – City Administrator. ###
 
via | PCUP Luzon