MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be a cartoon of 4 people and text that says 'M COMMISSIONFOR S 1986 Office of the President of the Philippines PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR Malacañang VACCINE Government Health Care Programs for the Urban Poor Organizations (Anainfm dissemination approach) December 21, 2021 |9:00am|via zoom f www.facebook.com/PCUPOfficial www.pcup.gov.ph -362 0220'

21 Disyembre 2021

Matagumpay na nagsagawa ng isang Health Forum na may pamagat na ‘Government Health Care Programs Information Dissemination for the PCUP Accredited Urban Poor Leaders Nationwide’ ngayong araw, Disyembre 21 ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), sa pangunguna ng Health Unit nito para sa mga lider-maralita ng iba’t ibang urban poor organizations (UPOs) ng bansa na ginanap via Zoom VTC.
 
Sa pagbubukas ng programa, nagbigay ng kanyang mensahe ng pagbati at pasasalamat si PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano dahil sa partisipasyon ng mga maralitang tagalungsod sa health forum na aniya ay malaking tulong upang bigyang kaalaman ang mga ito ukol sa iba’t ibang paksang pangkalusugan lalo’t higit ngayong pandemya. Sinundan naman ito ng kanya-kanyang mensahe mula kay President-Mayor Rodrigo Roa Duterte, Senator Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, at sa Commissioners ng PCUP tulad nina Comm. Norman B. Baloro, Comm. Randy H. Halasan, Comm. Romeo H. Jandugan, at Comm. Melvin P. Mitra na nagpabatid ng malugod na pagtanggap sa lahat ng mga nakilahok para sa pagdaraos ng aktibidad.
 
Nahati sa dalawang bahagi ang programa na kung saan ay nag-imbita ng mga tagapagsalita ang Komisyon upang magbahagi ng kani-kanilang kaalaman kaugnay sa mga paksang medikal at pangkalusugan.
 
Sa unang bahagi ng aktibidad, naging tagapagsalita si Doctora Henedina “Doc Nedy” Dela Cruz na resident physician ng Komisyon na tumulakay sa ‘COVID-19 Home Care Management’ o mga gawaing-pambahay upang malabanan ang virus na ito; gayundin ang tungkol sa “E-Tanong Mo Kay DOK!” na isang online consultation program ng Komisyon para sa mga kababayang Pilipino na nais magpakonsulta online.
 
Sinundan naman ito ni Ms. Allison C. Umandap, MSN, RN na isa ring Senior Health Program Officer ng Malasakit Program Office ng DOH na nagbahagi tungkol sa ‘Malasakit Center Program of the Government’ na isang medical initiative ni Sen. Bong Go na naglalayon na tumulong sa mga mahihirap nating kababayan sa anyo ng mura at may-diskwentong medical and laboratory procedures.
 
Sa pagtatapos ng bawat paksa ay nagkaroon din ng open forum upang direktang makapaglatag ng kani-kanilang mga katanungan ang mga kalahok na malugod namang sinagot ng mga tagapagsalita.
 
Bilang pangwakas ay isang Christmas greetings ang ipinalabas bilang pambati ng PCUP sa mga maralitang tagalungsod sa darating na Kapaskuhan.
 
Samantala, kung nais mapanood ang mga naging kaganapan sa nangyaring PCUP Health Forum, maaari itong mapanood via Facebook Live. Buksan lamang ang link na ito: https://fb.watch/a13k8GbP1d/. ###
 
via | PCUP Health Forum