MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 6 people

21 Disyembre 2021

Ginanap noong ika-14 ng Disyembre ang isang Beneficiary Selection Awards and Arbitration Committee Deliberation para sa DOTR North-South Commuter Railway Project na dinaluhan ng PCUP – Field Operations Division for NCR (FOD-NCR), sa pmamagitan nina Ms. Merlyn L. Sunga at Mr. Benildo D. Latorre—Area Coordinators.
 
Isa ang aktibidad na ito sa mga binibigyang prayoridad ngayon ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano dahil aniya ay kailangang mabigyan ng katiyakan sa paninirahan ang mga maralitang tagalungsod na apektado ng anumang proyektong pang-imprastraktura ng pamahalaan.
 
Samantala, isinagawa ang deliberasyon para sa may kabuuang 15 pamilya mula sa Barangays 19, 21, and 33 na apektado naman ng nasabing DOTr project. ###
 
via | PCUP NCR