MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of text that says 'UPSW 2021 COMMISSION FOR THE URBAN POOR SOLIDARITY WEEK S EPUBLIKA PILIPINAS HOOA MARN AWARDING CEREMONY "Ika-35 Taon ng Makabuluhang Paglilingkod; Malasakit, Kaisa t Kaagapay ng Maralita" 1986 (PARTNER AGENCIES) 20 December 2021 1:00 p.m. 3:00 p.m. via Zoom'

21 Disyembre 2021

Bilang bahagi ng selebrasyon ng Urban Poor Solidarity Week 2021 na may temang ‘Ika-35 Taon ng Makabuluhang Paglilingkod; Malasakit, Kaisa’t Kaagap ng Maralita’, nagbigay-pugay kahapon, Disyembre 20, ang Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa mga naging katuwang nito sa pamamagitan ng programang: ‘Awarding of 60 National Agencies as Part of PCUP Programs and Services.’
 
Sa pagsisimula ng munting awarding ceremony ay nagbigay ng kanyang mensahe si PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano at ipinabatid nito ang kanyang pasasalamat na kahit may pandemya ay nai-roll out ng PCUP, sa tulong ng mga partner-agencies nito, ang mga programa at serbisyo na nakatuon sa mga maralita.
 
Naghandog din ng kani-kanilang mensahe sila Department of Social Welfare and Development Asec. Noel Macalalad na kumatawan kay Sec. Rolando Joselito D. Bautista, at sa mga Commissioners ng PCUP na sina Comm. Norman B. Baloro, Comm. Randy H. Halasan, Comm. Romeo H. Jandugan, at Comm. Melvin P. Mitra.
Ilang sa mga agencies na ito ay ang DSWD, DOH, AFP, Philippine Army, PAO, DENR, PCSO, CDO Foodsphere Inc, GRAB Philippines, Ideal Vision, Coca-Cola Foundations, at marami pang iba.
 
Mula sa mga ito ay nakapaghandog din ng messages of support and responses ang ilang kinatawan mula sa DOH para sa PCUP Caravan, mula sa MCKE Caring Heart Foundation para sa Adopt An Urban Poor Community Program, mula sa Archipelago Philippines Ferries Corporation para sa Urban Poor Privilege Card, at mula sa Jollibee Group Foundation para sa PCUP Relief Operations.
 
Samantala, nagpapatuloy ang mga programa at serbisyo ng PCUP para sa mga maralitang tagalungsod kahit na may kinahaharap na pandemya ang bansa. ###