MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

May be an image of 9 people and people standing

22 Disyembre 2021

Muling tinungo ng PCUP Resettlement Unit (ResU) sa pangunguna nina Mr. Noli Madeja, Mr. Mark Pangilinan, Mr. Paul John Constante, at Mr. Mark Denver Balagtas—Area Coordinators nitong Disyembre 17 at 20, 2021, ang Southville 9 ng Baras at Southville 8C 1K2 Kasiglahan Village sa Rodriguez, Rizal para magkaloob ng kasanayan tungkol sa Climate Change Adaptation, Mitigation and Disaster Risk Reduction Management (CCAM-DRRM).
 
Sa pagsisimula ng programa ay malugod na binati ni PCUP Chairperson at CEO, Undersecretary Alvin S. Feliciano ang mga kalahok sa pamamagitan ng AVP, at ito ay sinundan ng inihandang presentasyon ng PCUP Res U tungkol sa CCAM-DRRM.
 
Nagkaroon din ng talakayan kasama ang DRRM Officer ng Rodriguez upang mabigyan ng karagdagang kaalaman ang mga residente tungkol sa mga proyekto ng pamahalaang lokal sa nasabing paksa.
 
Nagsagawa din ng isang open forum kung saan naglahad ang mga pinuno ng mga nasabing pabahay ng kanilang mga karanasan at isinagawang mga inityatiba upang hindi na muling maulit ang mga nangyaring trahedya sa kanila.
 
Samantala, isinagawa ang nasabing gawain bilang paghahanda sa mga posibleng kaharapin na sakuna o trahedya sa mga nasabing pabahay. Matatandaan na sa mga nakaraaang taon, ang mga nasabing pabahay ay nakaranasan ng matinding pagbaha dulot ng mga bagyo.
 
Matapos ang pagsasanay, ang mga kalahok ay nabigyan ng health kits mula sa Komisyon upang patuloy na mapanatili ang kaligtasan ng lahat sa gitna ng pandemya. ###
 
via | PCUP Resettlement Unit