MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

02 Mayo 2022

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Earth Day 2022 ay nakiisa ang PCUP – Field Operations Division for Mindanao (FODM) sa pagsasagawa ng isang Community Clean Up Drive na may pamagat na “Bigas sa Basura” noong ika-22 ng Abril sa Barangay Tambo, Island Garden City of Samal na dinaluhan ni PCUP Supervising Area Coordinator, Ms. Marilou A. Tarona.
 
Ang mga kalahok sa nasabing aktibidad na mula sa mga maralitang komunidad ay nakatanggap ng kilo-kilong bigas bilang kapalit ng kanilang nalikom na mga basura.
 
Nakibahagi rin sa gawain sina Barangay Tambo Captain Altheo Montes, Ms. Precious Love Damag—Barangay Tambo SK Chairperson, Mr. Michael Lador ng World Wide Fund (WWF) at Ms. Elizabeth Carbonilla—New Breeze Pag asa HOAI President. ###
 
via | PCUP Mindanao