MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

02 Mayo 2022

Isang Capability Building Training (CBT) na may paksang Leadership Skills Training para sa 31 kasapi ng Bagong Pag-asa Urban Poor Association Inc., El Vida de Sta. Maria UPAI, Ayala Calle Carmen Urban Poor Organization at San Ramon HOAI ang inihatid ng PCUP – Field Operations Division for Mindanao (FODM) nito lamang ika-20 ng Abril sa Zamboanga City.

Ang aktibidad na ito, gayundin ang iba pang mga kahalintulad na programa ay patuloy na isinusulong ni PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano upang bigyang kaalaman ang sektor ng mahihirap ukol sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang pag-unlad.
 
Ang aktibidad ay pinangasiwaan nina Ms. Veverlyn T. Francisco at Ms. Sittinissa Y. Fernandez—FODM Area Coordinators, na nagsilbi ring mga tagapagsalita sa nasabing programa. Dito ay ibinahagi nila ang mga bagay patungkol sa pagiging mahusay na lider at mga gampanin ng isang pinuno ng samahan. ###
 
via | PCUP Mindanao