MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

02 Mayo 2022

Dinagsa ng mga residente ng Barangay Laram, San Pedro, Laguna ang mga murang produkto gaya ng iba’t ibang klase ng prutas, gulay, karne, at isda na hatid ng “KADIWA NI ANI AT KITA” sa lugar noong ika-1 ng Mayo, sa pangnguna ng Department of Agriculture (DA) katuwang ang PCUP – Field Operations Division for Luzon (FODL) at ang Lokal na Pamahalaan ng San Pedro, Laguna.
 
Nilalayon ng nasabing inisyatiba na makapagbenta ng abot-kayang mga pangunahing produkto sa mga komunidad ng maralita gayundin ay matulungan ang mga magsasaka at mga kababayang mangingisda na maihatid sa merkado ang kanilang mga produkto nang mas mabilis.
 
Samantala, nagpabatid naman ng kagustuhan na makipagtulungan sa PCUP ang San Pedro City Agriculture Office upang bigyan ng kasanayan ukol sa mushroom production at iba pang mga kahalintulad na programa ang mga residente ng lungsod. ###
 
via | PCUP Luzon