MENU
  • 1 of 3 PCUP Caravan
  • 2 of 3 PCUP Privilege Card
  • 3 of 3 PCUP Adopt a Community

21 Hunyo 2022

Matagumpay na nagsagawa ang PCUP – Field Operations Division for Visayas (FODV) ng isang Pre-Demolition Conference (PDC) nitong Hunyo 20 sa Covered Court ng Polo Barangay Hall, Tanjay City, Negros Oriental.
 
Ani PCUP Chairperson at CEO, Usec. Alvin S. Feliciano, layuninn ng PDC na pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng mga maralitang pamilya na humaharap sa mga kaso ng demolisyon at ebiksyon sa bansa alinsunod sa RA 7279 o ang Urban Development and Housing Act (UDHA).
 
Kabilang sa mga napagsang-ayunan ay ang mga sumunod:
1. Ang LGU sa pamamagitan ng CSWDO ay maghahandog ng financial assistance na susumatotal sa daily minimun wage times 60 days.
2. Ang CSWDO, sa tulong ni Hon. Barba, ay magse-set ng appointment sa Tanggapan ni Mayor Hon. Jose T. Orlino sa unang linggo ng Hulyo upang mapag-usapan ang relocation site ng mga biktima.
3. Ang CSWDO ay magsasagawa ng housing profiling at consultation sa mga biktima.
4. Kasunod na PDC sa darating na ikatlong linggo ng Hulyo.
 
Bukod naman sa PCUP ay present din sina Atty. Gazzelemae Fuentes, Attorney VI at Ms. Janice Stephanie Publico, Special Investigator mula sa CHR, Hon. Felix Barba—Polo Barangay Captain, Ms. Logene Remoticado—Barangay Secretary, si Ms. May de Vena ng CSWDO, Mses. Lovely Absin, CLGOO and Maria Lourdes Espiritu ng DILG, PLTCol Ronoel Fungo, PSSG Johnrey Quilapquilap, PCpl Ryan Yaeso mula sa PNP, Sheriff Leonardo Jimar, Mses. Lezel Mee Cartalla, Senior CSC Officer at Jenny Fer Dagooc, CSC Officer ng NHA, Mr. Arnold Perater, Legal Assistant ng DepEd, si Menjie T. Rodriguez na siyang plaintiff at 17 mula sa 19 na defendants. ###
 
via | PCUP Visayas